SFL:  Retreat sa Bateen

18-06-2013

By:  Libby Cruz

Isa nanamang di makalimutang akdibidad ng SFL ang naganap noong nakaraang ika-6 ng Hunyo , 2013.  Nagkaroon ng tinatawag na “Retreat” ang nasabing grupo sa Al Bateen Island dito sa Abu Dhabi.  Buong gabi  namalagi roon at umuwi kinaumagahan.  Lingid sa kaalaman, dati nang nakapunta ang mga kalalakihan sa nasabing lugar at ayon sa mga kalalakihan talaga namang kakaibang karanasan ang nangyari sa araw na iyon.  Kaya naman sa pagkakataong ito ay aming inimbitahan ang mga kababaehan sa naturang lugar.

Ayun sa kanila, sadyang kakaiba nga ito sapagkat kahit sa pagpunta lamang sa lugar na iyon ay isang pagsubok sa kanila, kinakailangan kasing sumakay sa maliit na bangka at pagkatapos ay halos tatlompung minuto ang lalakarin upang makarating sa pinaka destinasyon, bukod pa rito ay kanya-kanya ring  buhat sa kanilang mga gamit.  Sa nangyari lamang na iyon ay iba’t iba na ang kanilang naramdaman.  Mayroong nainis, umiyak, nangamba at nag-alala ngunit sigurado akong kasiyahan ang aming naramdaman noong sama-sama kaming nakarating sa pinaka destinasyon.

Hindi kami nag-aksaya ng oras, dagliang  nagtayo ng tent ang mga myembro at dahil isa itong kapatiran, nagdamayan at nagtulungan ang mga ito sa kanikanilang mga gawain.  Naramdaman ng bawat myembro ang pagmamalasakit sa isa’t isa sapagkat wala sa amin ang hindi pumayag na walang gagawin.  Kaya naman agad natapos ang mga gawain.

Bagamat may kalaliman na ang gabi, datapuwat naramdaman na rin namin ang pagod.  Napawi lahat ito noong nag-umpisa ng magtalakay si Bro. Darrelle sa kanyang hinandang talakayin para sa amin.  Para kaming mga batang sabik makinig sa isang kwento ng isang ama.  Sa kanyang kwento, tinutukoy niya ang pagkakaiba ng tagapaglingkod (Servant) noon at sa kasalukuyan.  Sa makatuwid patungkol sa ‘Paglilingkod’ (Service) ang pinagusapan nang gabing iyon 

Lalong lumawak, lumalim at nadagdagan ang kaalaman namin patungkol dito, at napagtanto namin na sadyang hindi biro at napakahalaga ang pagseserbisyo at paglilingkod sa ating Panginoon.  Kaya lalo naming naunawaan kung bakit narito kami sa SFL upang hindi lamang makilala at lumawak ang kaalaman patungkol sa Panginoon bagkus ay kinakailangan ding maging isang tagapaglingkod niya.  Lalo pang umigting ang kaalaman namin nang Si Sister Arlene naman ang nagtalakay patungkol sa mga iba’t ibang pamamaraan ng paglilingkod, maging ang mga uri nito.  Ngunit habang nakikinig kami sa kanya, alam ko na bawat isa sa amin ay hindi naiwasang mapag-isip at magtanong sa sarili patungkol sa kanyang mga sinabi, Ako ba ang tinutukoy ni Sister Arlene?  Isa ba ako sa halimbawa nya?  Ganun ba ako maglingkod sa ating Panginoon? O sadyang huwad lamang ang aking ginagawa upang masabi na isa akong tagapaglingkod ng Dios?  Ngunit salamat sa kanya dahil kung magkayunman ay akin nang napagtanto at napag-alaman nakailangan maglingkod hindi dahil sa pansaliring kadahilan kundi iyon ay dahil lamang sa Kanya.  Ang sumunod na nagbigay na talakayin ay si Bro. Rusty.  Hatid naman niya sa amin kung paano naman maging isang huwaran at hindi huwad na tagapaglingkod.  Tumatak sa aking puso’t isipan ang mga sinabi niya kung paano paiigtingin ang paglingkod sa Pangioon.  At maging isang hamon sa bawat isa, na pagkatapos namin mapakinggan ang mga talakaying iyon ay haharap muli kami sa mundo na may pagbabago at paniniwalang maglilingkod sa panginoon ayon sa kanyang kalooban lamang.

Nang matapos ang mahabang talakayan , ang sumunod naman na ginawa ay kumain para maghapunan.  Isang mabilisang kainan ang nagyari sapagkat karamihan sa amin lalung lalo na ang mga kababaihan ay sabik lumusong sa dagat upang manghuli ng isda, alimango at halaan.  May ibang man sa amin na nagpahinga na dahil sa kanilang pagod ngunit mayroon namang nakisabayan sa mga kalalakihan upang manghuli na maari naming kainin kinaumagahan.

 

Habang kanya kanyang huli kami, hindi namin naramdaman ang pagod o kahit antok man lang dahil walang humpay ang aming tawanan upang libangin ang aming sarili.  May nagkakantahan, nagkukwentuhan at meron namang kinakausap ang mga nahuhuli niyang isda, alimanggo at halaan.  Maging si Sister Gladys ay nakikipag away sa hinuhili niyang alimango.

Kaya’t sa pagdungaw ni haring umaga, puyat man ang karamihan, sulit naman ang hirap at sakripisyong ginagawa namin dahil hindi mabayaran ang kasiyahan na aming nadama.  At sa pamamagitan ng aktibidad na ito, lalong tumibay ang pagkakaibigan at pagkakakilanlan ng mga myembro.  At bilang pagtatapos ng aktibidad na ito, masakit at nanghina man ang aming katawan,  tumtatalon naman ang aming puso at ispirito sa kagalakang aming naranasan.  At lalo ring umusbong ang pagkakaibigan ng bawat isa.

 

 

Extreme Adventure on its 5th Season

By: Sis Marie Navacilla (SFL-Abu Dhabi)

Many of us have been fans of The Amazing Race – a highly rated American reality competition show from few years back. And the Extreme Adventure activity of CFFL-SFL, held last January 29, is broadly about that.. And more! Because it didn’t just require physical strength, but also mental and, believe it or not, spiritual (imagine writing down all the mysteries of the Holy Rosary!). The race was split into 12 legs or stations, each with a certain challenge that should be completed as fast as possible, because the team with the least time to complete all the challenges wins. The Service team was headed by Bro Rusty and Sis Stacy, and consists of the game masters – one or two at each station, and special agents – one at each team. Few of the game’s rules are the prohibition of the use of GPS or any gadget, and the use of transportation other than the public bus, which made the game more exciting. 

 

            The activity was started with a prayer for guidance and safety. Afterwards, each team started to warm up as they anticipate the challenges that they might face throughout the competition. Each team has their own strategies, building camaraderie regardless of the differences and weaknesses of each member.  

 

            At the end of the competition, the winners were decided as follows, based on the time the challenges were all completed:

 

  • 5th Runner Up – Pink Team
  • 4th Runner Up – Green Team
  • 3rd Runner Up – Blue Team
  • 2nd Runner Up – Orange Team
  • 1st Runner Up – Red Team
  • Champion – Yellow Team

 

Special awards were also given to deserving winners, as follows: Mr. Cool – Bro Noel, Cool Girl – Sis Ella, and Early Bird – Bro Miller, all from Yellow Team; Best Dressed – DK from Green Team; U Complete Me – Green Team; and Most Competitive Team – Pink Team.  

 

The activity was then concluded with a sumptuous boodle fight lunch that the brothers and sisters in Christ savored together. It was indeed a very tiring, but at the same time, a very fulfilling day for every participant and the service team. It was not just a competition. It was a fellowship. And through this, may God be praised!