#Mercynary

13000336_10206343109158953_9016499793576543397_n
On his FB Account for #UAESC2016 – We welcome you to our 1st UAE Singles Congress 2016….
And we are your hosts,
Bro Wilper, Sis Caicai Sis Lida
#ForTheGloryOfGod , #UAESC2016#MISERICORDIA

By: Bro. Wilper Rivera (SFL Abu Dhabi)

God’s mercy is everlasting. Bago pa man nag simula ang World Single Congress 2016 sa Cebu ay ipinadama na sa akin ng Panginoon ang kanyang pagmamahal at awa. Hindi ko akalain na makakadalo pa ako sa WSC dahil sa kulang sa budget pero napakagaling talaga ni Lord dahil sa tulong ng ating community CFFL ay nakapunta ako. Pero hindi lang yan ang mga pagsubok na naranasan ko dahil sa mismong araw ng Congress ay iyon din ang araw na kailangan naming lumipat ng bahay dito sa UAE dahil sa tenancy problem. Pero malaki ang pasasalamat ko sa Ate ko kasi sinuportahan niya ako sa aking mission sa Cebu. Despite sa mga challenges at pagod sa flight, nawala lahat iyon noong nag simula na ang Congress Unang araw palang ramdam na ramdam ko na ang presence ng ating Panginoon, ang excitement at saya kasama ang iba pang delagates ng UAE, sa worship at praisefest na mararamdaman mo talaga na ang lapit lapit mo talaga kay Lord, na habang umaawit ka ay kaharap mo lang siya.

 

Sa bawat session may makukuha ka talagang aral na tatagos sa iyong puso at mabubusog ka spiritually. Mas maintindihan mo talaga kung ano ang ibig sabihin ng Misericordia, kung gaano tayo ka bless because of His mercy. Na ang tanging gusto ng Panginoon sa atin ay bumalik ulit sa kanya ng buong puso. Na kailangan nating siyang tanggapin sa ating buhay, humingi ng tawad at makakaasa tayo na hindi niya tayo iiwan. Sa bawat bibitawang salita ng mga speakers ay tunay na ginagamit sila ng Panginoon gayundin sa mga sharers na ang bawat kwento ng kanilang karanasan sa buhay ay nakakainspire. Kung paano sila nadapa, bumangon, at yumakap ulit sa ating Panginoon. Sa mga activities katulad ng Stations of Mercy, na sa bawat pinagdaanan ni Jesus na hirap at sakit bago pa siya ipinako sa krus ay maisasalamin natin ito sa ating buhay. At ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang Love letter ni God para akin. Espesyal ang acitivity na ito sa akin kasi andami kong katanungan na gumogulo sa isip ko at mga pagdududa sa sariling kakayahan pero ipinarating sa akin ng Diyos Ama ang mga sagot, kung gaano nya ako ka mahal bilang anak sa pamamagitan ng sulat na iyon. Marami pang ibang memorable na experience sa Congress, hindi ko man maibahagi lahat pero I’m sure and I’m praying na ma-e-experience din ito na ng mga kapatid natin dito sa UAE. Kasi iba talaga ang feeling, kasi during the entire congress it felt like I’m in His kingdom.

Hanggang sa natapos ang Congress ay hindi pa rin kami nakatakas sa mga pagsubok. Bawat isa sa amin, mga kapwa ko UAE delegates ay may hinarap na mga problema, problema na hindi namin inaasahan na mangyayari dahil sa kakatapos lang ng Congress. Pero mas malaki ang pasasalamat namin sa Panginoon dahil ipinakita nya pa rin sa amin na ang kanyang pagmamahal at awa ay walang katapusan, hindi nauubos. For the Lord never left us, kasama parin namin sya sa lahat ng oras, sa lungkot man o ligaya.

Ang kanyang awa ay walang pinipili, maliit man o malaki ang iyong nagawang kasalanan, handa ang kanyang mga kamay upang ika’y muling yakapin ng kanyang pagmamahal. Pero sa pagbalik natin sa Panginoon, kailangan din nating magpatawad sa ating sarili at sa ating kapwa, sa mga kasalanang nagpapabigat sa ating buhay. Dahil sa World Singles Congress 2016, naramdaman ko ang Awa ng ating Panginoon, kaya hindi ako mag-aatubiling ibahagi din ito sa iba. God gave me the greatest gifts, which is His Love and His Mercy, and it’s time for me to share it by being a true servant and faithful “Mercynary”. May God be praised.