By: Marylou Ugad (SFL)

Ang pagibig ay parang musika

Na kung minsan ay nasa tyempo at minsa’y sintunado pa

Sa bawat pagkanta kaakibat ay pangamba

Subalit kapag awit mo’y iniaalay sa kanya, walang dapat ipag-alala

 

At kung iyong isipin, pagibig ay lumilipas din

Katulad ng isang awitin, kahit na ito’y pahabain,

Sa dulo ay may wakas at natatapos din

Ngunit tulad din ng awitin, pagibig kay sarap ulitin

 

Ang pagibig ay parang musika, hatid sa ati’y saya

Minsan nama’y pagluha ang dala,

Na para bang pag-gitara masakit lamang sa umpisa,

Subalit ang mahalaga nasaktan ma’y natuto Ka

 

Kaya kayong mga kaibigan ko, kung meron mang talinto,

Gamitin at ibahabi mo lalo na sa serbisyo,

Sa bawat oras at minuto, na inialay mo,

Pagkakalooban ka ng biyaya ng amang mapagmahal sayo

Leave a comment