Ni: Sis Marylou Ugad (SFL UAH)
Saan ngaba tutungo ang tao?
Dito sa Mundong kinagagalawan ko
Maraming balakid, at kapaligirang magulo
Ngunit ang tanong, may patutunguhan ba ako?
Nag-iisa, nag-iisip kung ano ang maaring gawin,
Mga bagay, pangarap na kay hirap abutin,
Marami pang problema ang kailangang kayanin,
Mga pagsubok ay dapat nating harapin.
Dalawang daan, ang kailangang pagpipilian,
Ang tuwid na daan at makipot na daan,
Tuwid na mayroong bangin sa dulu-dulohan,
Makiipot ma’y sa tamang landas naman.
Ngunit, ako’y nalilito kung saan ako patungo,
Sa tuwid na daan ba o sa makipot na ito,
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!
Bahala na sa sarili kung saan gustuhin ko.
Aking mga paa’y napapagod na’t nanginginig pa,
Buong katawan ko ri’y mababagsak na,
Ngunit ayaw pang sumuko ng aking mga mata,
Na kahit madilim ma’y lakad parin at pilit kinakaya.
Nagpapasalamat ako sa pinagtunguhan ko,
Bagaman alam ko na, kung ano ang haharapin ko,
Lakas ng loob para sa kinabukasan ko,
Patutunguhan ko’y malayang pook na sinilangan ko.
Kay hirap sabihing tama ang pinatutunguhan ko
Pagkat alam nating walang perpekto sa mundo
Ngunit isa lang ang nakakakalam sa lahat ng eto
Kungdi ang Dyos, na syang gumagabay at nagmamahal sa tao.
Ako’y may tanong sa bawat isa sa inyo?
Tinanong moba sa sarili mo kung saan ka tutungo?
Landas na tama, na naaayun ba a gusto mo?
O landas kung saan at baluktot na daan mo?
Hindi man madali ang maging mabuting Tao
Hindi rin naman madali ang makisama sa kapwa ko
Ngunit kung sadyang ang loob mo’y totoo
Gumawa ka ng mabuti ang Dyos ang magbibigay ng regalo.
Saan ngaba ang tao tutungo?
Sa langit ba or sa tinatawag na Impyerno?
Mahirap sabihing tama lahat ang nagawa mo sa mundo
Sapagkat sa huli Dyos ang makapagsasabi nito
#TVM19